hhhmmm…

Kung nag-iisa at nalulumbay
Dahil sa hirap mong tinataglay
Kung kailangan mo ng daramay
Tumawag ka at Siya’y nag-hihintay

Siya ang iyong kailangan
Sandigan, Kaibigan mo
Siya ang araw mong lagi
At karamay kong sawi
Siya ay si Hesus sa bawat sandali

Kung ang buhay mo ay walang sigla
Laging takot at laging alala
Tanging kay Jesus makakaasa
Kaligtasan lubos na ligaya

Siya ang dapat tanggapin at kilanlin
Sa buhay mo,
S’ya noon, bukas, ngayon
Sa dalangin mo’y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon

Kaya’t ang lagi ng pakakatandaan
Siya lang ang may pag-ibig na tunay
Pag-ibig na tunay

Siya ang dapat tanggapin at kilanlin
Sa buhay mo
Siya noon, bukas, ngayon
Sa dalangin mo’y tugon
Siya ay si Hesus
Siya ay si Hesus
Siya ay si Hesus sa habang panahon

Leave a Reply